Ang wika ay
sistemang ginagamit sa komunikasyon na maaring pabigkas o pasulat, at binubuo
ng mga simbolo o letra, at panuntunan.
- tumatalakay
sa pagbuo ng mga salita at tamang paggamit nito (balarila)
- behikulo (intrumento) ng komunikasyon at ekspresyon
- kalipunan ng mga tunog na may Sistema
- behikulo (intrumento) ng komunikasyon at ekspresyon
- kalipunan ng mga tunog na may Sistema
Mga Katangian ng
Wika
1. Ang Wika ay Binubuo ng mga Tunog
Ang tunog pangwika ay nagagawa gamit ang mga sangkap sa pagsasalita.
Hal. labi, dila,
ngalangala, babatingang tinig, atbp.
2.
Ang Wika ay Isang Sistema
Ang wika ay
pag-uugnay-ugnay ng mga tunog para sa pagbuo ng mga salita, at pagsasaayos ng
mga salita para sa pagbuo ng makabuluhang pangungusap na may isang diwa –
pinagsasama-sama upang bumuo ng diskurso.
3.
Ang Wika ay Arbitraryo
Ang wika ay may
set ng palatunugan; may leksikal at gramatikal na istrakturana ikinaiba niya sa
ibang wika, ang mga ito ay ipinagkakasunduan lamang ng mga minorya ng tao.
Maaring ang isang salita ay may ibang pakahulugan sa ibang minoryang may ibang
kinagisnan.
4.
Ang Wika ay Pantao
Ang wika ay
nalilipat, nasasalin, natututuhan at napag-aaralan.
5.
Ang Wika ay Buhay at Dinamiko
Ang wika ay buhay
at dumaraan sa ebolusyon, at
naglalahad ng saloobin ng tao. Sa pag-unlad ng panahon, nagkakaroon mga bagong
mga salitang ginagamit at itinatala.
6.
Ang Wika ay Pili at Isinasaayos
Hindi lamang
lingguwistiks ang kailangang ikunsidera sa pagbigkas o pagsulat ng wika, it ay wastong
pinipili at isinasaayos ayon sa gramatikal na istraktura at kaisipan upang
maging angkop at kalugod-lugod.
7.
Ang Wika ay Kaakibat ng Kultura
Ang kultura ng
bawat minorya ay mayroong kabuhol na wika na nagbibigay daan upang ito ay
masalin, maikuwento, at maipagtuloy sa pagdaan ng maraming taon.
Here is the full list of the "Katangian ng Wika". But this is a good source also! Thanks GETMEANAPLUS :D You help me a lot today!
ReplyDeletehttp://educational-filipino.blogspot.com/2015/07/mga-katangian-ng-wika.html
ReplyDeleteexample of pinipili at sinasaayos ang wika please.
ReplyDeleteand arbitraryo, nakabatay sa kultura, wika ay nagbabago and wika ay ginagamit..tnx
Thank you for the info
ReplyDeleteThanks a lot..u help me today.
ReplyDeleteit is helpful but it needs more improvement
ReplyDeleteThank you Very much
ReplyDelete